Bininyagan na ang unang anak nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano na si Stellar.
Sa Instagram post ni Ortaleza, ibinahagi nito ang ilang larawan ng baptism ng kanilang baby girl.
Kasabay nito ay nasorpresa naman ang marami at tinanong kung nanganak na nga ba si Chynna.
Very private kasi ang naging pagbubuntis ni Chynna at pinili nilang hindi muna mag-post ng mga pictures ng kanilang baby.
Una nang sinabi nito na nais niyang ma-enjoy ang kanyang pagbubuntis na hindi iniisip ang kung ano ang sinasabi ng ibang tao.
Gayunman sa isang interview ini-reveal ni Ortaleza na nagsilang siya nitong Abril at ibinahaging ang pangalang ‘Stellar’ ay hango sa kanilang paboritong kanta mula sa American rock band na Incubus.
Ikinasal ang dalawa noong isang taon sa isang civil wedding ceremony.
Photos: Screengrab from chynna ortaleza/ Instagram