Pinababalik sa Syria at Lebanon ng Kuwait ang mag asawang itinuturong pumatay sa Pinay na si Joanna Demafelis na natagpuan sa freezer.
Ito ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello the Third ay matapos pormal na hilingin ng Kuwait para maibalik sa kanilang bansa ang mag asawang nader Essam Assaf at Mona Hassoun para litisin sa nasabing kaso.
Kasunod ito nang pag aresto ng international police sa mag asawa sa Damascus,Syria.
Si Assaf ay isinuko ng Syria sa mga otoridad sa Lebanon dahil isa itong Lebanese samantalang nananatili naman sa custody ng mga otoridad sa Syria si Hassoun.
Posted by: Robert Eugenio