Excited na ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na malaman ang kasarian ng kanilang unang baby.
Ayon kay Marian, sa susunod na linggo ay magpapacheck-up aniya siya upang malaman kung boy o girl ang kanilang anak.
Sa katunayan, sinabi ni Marian na mayroon na silang naisip na pangalan dito.
Kung baby boy aniya ang ipagkakaloob sa kanila ni Dingdong papangalanan itong Jose at babae naman ay Maria.
Paliwanag ni Marian, Mary kasi ang pangalan niya at may Jose din sa pangalan ang asawa niyang si Dingdong kaya’t ito ang kanilang naisip.
Samantala, masaya naman na ngayon si Marian dahil nabawasan na ang kanyang morning sickness.