Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mag-asawang mayor at vice mayor ng San Mateo, Rizal.
Mismong si Vice Mayor Paeng Diaz ang nag-anunsyo sa kaniyang Facebook account ng kanilang kondisyon ng asawang si Mayor Tina Diaz nang lumabas ang resulta kahapon dalawang araw matapos silang sumalang sa RT-PCR test.
Sinabi ng bise alkalde na kapwa mild symptoms ang nararanasan nilang mag asawa kayat kaagad silang sumailalim sa isolation.
Pansamantalang itinalaga ni Mayor Tina si Municipal Administrator Ricardo Gomez bilang signatory sa lahat ng official transactions ng bayan habang naka isolate pa sila ng vice mayor.
Tiniyak naman ng alkalde ang pagtutok nila sa mahigpit na kampanya ng municipal government kontra COVID-19.