Hawak na ngayon ng NBI o National Bureau of Investigation ang mag-asawang dayuhan na sinasabing miyembro ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria
Ito’y makaraang iharap kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sina Husein Al Dafiri, isang Kuwaiti national at sinasabing bomb expert
Gayundin ang asawa nito na kinilalang si Rahad Zeena na isa namang Syrian National na sinasabing biyuda naman ng ikalawang pinaka-mataas na military commander ng ISIS
Ayon kay Aguirre, inaalam pa nila kung mayruon galamay ang mag-asawa dito sa Pilipinas
Kapwa naaresto ang dalawa nuong Marso 25 sa Bonifacio Global City sa Taguig matapos ang natanggap na intelligence report ng mga awtoridad
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre
By: Jaymark Dagala / Avee Devierte