Mag-asawang Mayor at asawa nitong konsehal ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa La Union.
Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni Mayor Philip Crispino ng Caba, La Union na positibo sya sa COVID-19 kasama ang asawang si Councilor Donna Rillera-Crispino.
Nais anya nilang ipalaganap ang impormasyong ito dahil dumalo sila sa Philippine Councilors League meeting sa SMX Convention Center mula Pebrero 26 hanggng 28.
Naka self-quarantine na umano sila sa nagdaang 16 na araw at nasa maayos namang kundisyon.