Mag-asawang Patrick at Nikka Garcia nagdadalamhati pa rin sa pagkawala ng ikatlong anak
Nagdadalamhati pa rin ang mag-asawang Patrick at Nikka Garcia sa pagkawala ng kanilang ikatlong anak.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ni Nikka ang sobrang kalungkutan niya matapos makunan noong isang linggo.
Ayon kay Nikka, in-denial pa siya nang umuwi ng bahay matapos makumpirma sa kaniyang OB na tumigil na sa pagtibok ang puso ng kanilang anak.
Sinabi ni Nikka na kinabukasan na niya nasilayan ang anak niya nang mag contract at makaramdam siya ng sobrang sakit sa kaniyang sinapupunan.
Nag-sorry aniya siya sa kanilang anak dahil wala siyang nagawa para masilayan nito ang magandang mundo subalit paulit-ulit niyang sinabi rito na mahal na mahal niya ito.
Nagpapasalamat naman si Nikka sa suporta at pagmamahal ng asawang si Patrick at mga anak nilang sina Michelle at Patrice na aniya’y “in their special ways” ay ipinaramdam ang pagkalinga sa kaniya at assurance na “everything will be okay”.
By Judith Larino