Kinuwestyon ng Malakanyang ang desisyon ng isang immigration judge sa Amerika na pagbigyan ang hinihinging asylum ng mag-asawang Pilipino na bumabatikos sa Pangulong Rodrigo Duterte at mga programa nito.
Una nang pinagkalooban ng asylum ng isang San Francisco Immigration Judge si Rene Flores at may bahay nitong si Joy matapos kapwa igiit na posibleng makaranas ng political persecution kapag pinabalik ng Pilipinas.
Ang mag asawang Flores na mahigpit na bumabatikos partikular sa anti-drugs war ng gobyernong Duterte ay naninirahan na sa Amerika simula pa noong taong 2000.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo nakakatuwa ang immigration judge sa pasya nito dahil hindi naman naririnig ang mag asawang Flores bilang political activities sa bansa.
Tila aniya dumiskarte lang ang mag asawa para permanenteng makapanatili sa Amerika lalo’t paso na ang visa ng mga ito.