Kumalas na ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez sa partidong kanilang kinabibilangan.
Ayon kay Richard na miyembro ng Nationalist People’s Coalition o NPC, nagkasundo sila ng kanyang misis na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez na isa namang Liberal Party member na ibigay ang suporta sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Habang sa vice presidential race, susuportahan ng mag-asawa si Senador Bongbong Marcos.
Makakalaban ni Richard sa mayoralty race si incumbent Mayor Edward Codilla, habang makakatunggali naman ni Lucy sa congressional race ang asawa ni Codilla si Violy Codilla.
By Meann Tanbio