Patay ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo matapos pumasok sa Edsa busway at masalpok ng bus sa Quezon City.
Kinilala ang mga nasawi na sina Leonilo Roquino at Juanita Roquino.
Arestado naman ang driver ng bus na si Jonathan Villanueva.
Ayon sa mga otoridad, binabagtas ng bus ang Balintawak patungong Cubao nang pumasok sa linya ang motorsiklo ng mag-asawa.
Sinubukan pang iwasan ng driver ng bus ang motorsiklo ngunit nahagip pa rin at tumilapon ang mag-asawa at agad na nasawi sa pinangyarihan ng aksidente.
Samantala, nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Damage to Property ang driver ng bus. —sa panulat ni Kim Gomez