Hawak na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang mag-asawang utak umano sa 900 Million Peso Bitcoin scam.
Ayon kay PNP Chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, naaresto sa isang entrapment operation sina Arnel at Leonady Ordonio, owner ng Bitcoin company na New-G noong Abril 4.
Umabot anya sa limampu ang biktima ng mga suspek na kanilang na-engganyong mag-invest sa cryptocurrency na Bitcoins kapalit ng malaking kita o interes sa loob lamang ng dalawang linggo.
Inihayag naman ni PNP-CIDG Chief, Dir. Roel Obusan na ang nasabing modus ay kahalintulad ng isang pyramiding scheme kung saan mayroong upline at downline.
Samantala, inabisuhan naman ni Dela Rosa ang publiko na huwag basta magpaniwala sa mga investment scheme na nangangako ng malaking interes sa loob lamang ng maikling panahon.