Techie lolo at lola!
Ito na ang pagkakataon para maipakita sa mundo ika nga’y golden moments kung gaano ka techie sina grandma at grandpa.
Sa pamamagitan yan ng “#seniordigizen: Teach me how to digi” Tiktok contest!
Dahil sa pagdiriwang ng grandparents’ day at elderly week ang nasabing contest ay para gawing masaya o experience the fun ang teknolohiya kahit pa sa senior citizens at mapatatag ang family bonding at ipakilala ang mga seniors sa digital age sa tulong ng mga anak at apo na pawang tech savvy!
Ayon kay Yolly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer naniniwala silang dapat maging accessible sa lahat ang technology kaya naman ang nasabing contest ay bilang pagdiriwang ng pamilya, learning at joy of discovery sa gitna na rin nang pagsusulong ng globe sa digital inclusion.
Papatunayan aniya ng Globe na hindi pa huli na maging digital o techie sa pag asang gawung senior citizens ang mga senior citizens.
Narito ang mga paraan kung paano makakasali sa Tiktok contest:
- gumawa ng Tiktok video kung saan ipinapakita ang pagtuturo ng tech trick ng younger generation na nasa 15 – 50 years old sa senior parent o grandparent gamit ang bagong app, mobile wallet o emojis na dapat ay creative, engaging, genuine at heartwarming!
- ang video ay dapat nasa pagitan ng 30 seconds – 5 minutes na may one liner caption at i-set sa “Public” Access sa Tiktok,
- i-tag ang @globeofgood at gamitin ang official hashtag #seniordigizen at uubrang magpadala ng maraming entries bagamat isang beses lamang mananalo,
- ang video ay dapat original, fun and creative habang pina follow ang trendy Tiktok videos kung saan nangyayari ang sitwasyon “Real time” Mula sa viewer’s point of view at dapat kasali sa frame kapwa ang senior citizen at younger participant,
- gamitin ang anumang available na commercial sounds,
- dapat gumamit ng maayos ma salita at iwasang banggitin ang ibang brand names under patent,
- ang video ay hindi dapat kakitaan ng masasama at mararahas ng gawi,
- kailangang palutangin sa video ang signature color o blue ng Globe,
- ang video ay dapat sumusunod sa community guidelines ng Tiktok at nagpo promote ng pagiging positibo at respeto,
- pinakamagandang maipakita ang video sa high resolution at hindi tatanggapin ang low resolution, pixilated at shaky,
Sinabi naman ni Liza Reyes, Public Relations and Communications Strategy Head, Globe Group Corporate Communications na paraan din ang nasabing contest para maipaabot kina lolo at lola na kayang kaya nilang maging digital sa tulong ng kanilang mga anak at apo na paraan na rin upang ika nga’y i-bridge hindi lamang ang age gap kundi maging ang digital gap.
Kabilang sa pagbabasehan ng entries ay: creativity, engagement at overall content samantalang ang top 25 entries ay tatanggap ng P25,000 worth ng glow products at iba pang exciting prizes at P75,000 naman ang mapapasakamay ng mga makaka kumpleto sa #seniordigizen ambassador program.
Ang mga mananalong seniors ay dapat physically present sa isang exclusive learning session ng globe at kumpletuhin ang dalawang buwang #seniordigizen ambassador program na iaanunsyo sa mga susunod na araw.
Maaari nang isumite ang entries simula ngayong araw na ito, September 10 – September 30.
Para sa iba pang contest mechanics i-check ang official special media channels ng Globe sa Globe of good Tiktok at Globe of good Facebook page simula ngayong araw na ito, September 10.
Kaya naman halika na, get lolo and lola na maging digi sa Tiktok at patunayang “Age is just a number” Para sa #seniordigizen.