Mag-hire ng isang nurse bawat barangay.
Ito ang panawagan sa pamahalaan ng isang grupo ng mga healthworkers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Giit ni Jocelyn Andamo, secretary general ng Filipino Nurses United, bagama’t nagdaragdag ang gobyerno ng COVID-19 beds ay hindi naman dinadagdagan ang mga nagbabantay dito.
Maliban dito, muli ring ipinanawagan ng grupo ang makatao at sapat na sahod o benepisyo para sa mga health workers.