Kalunus-lunos ang sinapit ng isang pamilya sa San Jose Del Monte City sa Bulacan makaraang matagpuang wala nang buhay sa loob mismo ng kanilang tahanan sa North Ridge Subdivision sa Barangay Sto. Cristo.
Tumambad sa ama ng tahanan na isang security guard ang sinapit ng kaniyang mag-anak nang umuwi ito sa kanilang tahahanan mula sa kaniyang trabaho.
Ayon kay Superintendent Fritz Macariola, hepe ng San Jose Del Monte PNP o Philippine National Police, tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima nang matagpuan.
Kinilala naman ang mga biktima na sina Estrella Dizon, 35 anyos, tatlo nitong anak na pawang mga menor de edad at isang lola.
Ayon kay Macariola, wala namang nakita ang pulisya na puwersahang pinasok ang tahanan ng mga biktima ngunit may indikasyon na pinagsamantalahan ang lola gayundin ang inang biktima.
By Jaymark Dagala