Patay sa pagkalunod ang mag-iina kabilang na ang dalawang menor de edad makaraang mahulog sa isang tulay sa Maguindanao.
Kinilala ng ARMM PNP ang mga biktimang sina Linda Modunggel, 39 anyos at dalawang anak nito na sina Melanie, 11 anyos at Ritchel, isang taong gulang.
Ayon kay S/Insp. Jemar Delos Santos, spokesman ng PNP ARMM, nangyari ang aksidente noong Biyernes sa Sitio Kiladek sa Barangay Bantek, bayan ng Upi.
Tumatawid lamang umano ang mag-ina sa isang tulay na yari sa kawayan nang madulas ang mga ito na nagresulta sa pagkahulog nila sa ilog at inagos ng tubig.
Agad namang nagsagawa ng search and rescue ang mga awtoridad sa Sitio Kilawlaw gayundin sa bayan ng Datu Blah kung saan narekober naman ang tatlo subalit pawang wala ng buhay ang mga ito.