Patay ang mag-ina matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Tala sa Caloocan City.
Kinilala ang mga biktima na sina Hermilda Carbonel, 74-taong gulang at anak nitong si Banjo, 55-taong gulang.
Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, may diperensya sa kaniyang pag-iisip si Banjo at nagtatapon ng gamit kapag nagwawala kaya’t ito ang posibleng dahilan ng pagkasunog ng kanilang bahay.
Nadamay sa sunog ang katabing bakery at parlor.
—-