Nabangga ang isang ginang at ang kanyang anak ng isang motorsiklo habang tumatawid sila sa kalsada sa Nagcarlan, Laguna.
Ang ginang, ay sakay ng wheelchair, at tinutulak ito, ng kanyang anak nang mangyari ang aksidente.
Habang papatawid na sila, isang mabilis na motorsiklo ang sumalpok sa kanila, dahilan para humandusay ang mag-ina at ang motorcycle rider.
Agad naman na dinala ang mag-ina at nakabanggang ridert sa ospital matapos magtamo ng mga sugat at bali sa katawan.
Nagka-aregluhan na ang magkabilang panig, at nangako naman ang rider na sasagutin ang lahat ng gastusin para sa pagpapagamot ng mag-ina.