Sugatan ang mag-ina makaraang masunog ang kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila kaninang umaga.
Nasugatan ang mukha ng may-ari ng bahay na si Jesusa Esguerra, habang nagtamo ng 1st degree burn sa kaliwang tenga ang anak niyang si Albert.
Nadamay sa sunog ang siyam pang kalapit na bahay.
Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng tinupok ng apoy.
Mandaluyong Fire
Limang (5) kabahayan ang nasunog sa Pantaleon Street, Barangay Barangka Itaas, Mandaluyong City.
Ayon sa Mandaluyong City Fire Bureau, nagsimula ang sunog mag-aalas-5:00 kaninang madaling-araw na umabot pa sa ika-apat na alarma.
Pawang yari sa light materials ang mga nasunog na bahay.
Wala namang nasaktan o nasugatan sa naganap na sunog na idineklarang fire out alas-6:11 ng umaga.
Tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga na natupok na mga ari-arian.
By Meann Tanbio