Arestado ang mag-ina na umano’y mga drug pusher sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency NCR sa Caloocan City noong Lunes.
Kinilala ang mga naaresto na sina Omaima Malaco Lindaganan, 39-anyos at anak nitong si Hakhim, 18-anyos.
Ayon sa ulat, pinagbentahan ng mga suspek ang poseur buyer ng hinihinalang shabu na aabot sa 50 gramo na nagkakahalaga ng P340,000.
Walang piyansa ang pagbebenta ng iligal na droga na isasampa sa mga suspek. —sa panulat ni Hya Ludivico