Patay sa pamamaril ang mag-ina sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang mga biktima na sina Zahariya Bansuan , 48 anyos, at kanyang anak na si Zainudin Bansuan, 16 anyos.
Batay sa ulat, sakay ng motorsiklo ang mag-ina nang dikitan ang mga ito ng riding in tandem na mga suspek at pagbabarilin.
Agad namang tumakas ang mga suspek patungo sa Barangay Tulunan Datu Anggal Midtimbang.
Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo at likod ang mag-ina na ikinasawi ng mga ito.
Personal na alitan ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa pagpatay sa mga biktima.