Magsasama sa unang pagkakataon sa isang teleserye ang mag – inang Sylvia Sanchez at Arjo Atayde.
Katulad sa tunay na buhay ay gaganap bilang mag – ina sina Sylvia at Arjo sa inaabangang kapamilya teleserye na “Hanggang Saan”.
Ayon kay Arjo, hindi siya nakararamdam ng anumang pressure ngayong makakasama niya ang kanyang ina at batikang aktres na si Sylvia sa iisang teleserye.
Aniya, tiwala siya na tutulungan siya ng kanyang ina sa kanyang pag – arte.
Matatandaang tumatak sa manonood ang mahusay na pagganap ni Sylvia bilang isang ina sa dati nitong teleserye na “The Greatest Love”.
Habang nakilala naman si Arjo sa magaling nitong pag –arte bilang kontrabida sa teleseryeng ang “Probinsyano”.