Ipinaalala ngayon ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel na hindi basta – basta maaaring baguhin ang anumang bahagi ng saligang batas.
Ang nasabing pahayag ni Pimentel ay kasabay ng ikinasang revolutionary government caravan at assembly ng mga taga – suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Bonifacio Day.
Ayon kay Pimentel, bagamat kilala siya bilang isang federalism advocate ay mananatili itong nakamatyag sa mga gagawing hakbang ng mga taga suporta ng Duterte adminitration.
Kasalukuyan ngayong ginaganap ang naturang caravan sa Metro Manila, Davao City at ilan pang bahagi ng bansa na nilahukan ng libo – libong katao.