Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA)sa publiko kaugnay sa pagbili at pagkonsumo ng mga hindi rehistradong pagkain.
Kabilang sa mga produktong nakasaad sa inilabas na advisory ng FDA ay ang brown sugar at refined sugar na may tatak na SM bonus.
Kasama rin ang melvan ginger brew with turmeric and lemongrass, sweet valley freeze dried cranberry coated with milk chocolate at lorenzo farm dark chocolate.
Ayon sa FDA, walang certificate of product registration ang mga nabanggit na produkto.