Inaresto ng mga otoridad ang mag-kasintahan na sangkot umano sa pagbebenta ng pekeng gamot sa Brgy. San antonio, Bay, Laguna.
Kinilala ang dalawang suspek na sina Johnell Onieza Lilia, 37-anyos at Jerim Grace Perez Blanco, 29-anyos na nakuhanan ng dalawang kahon ng pekeng paracetamol na Bio flu at isang kahon ng Alaxan Fr.
Ayon sa mga otoridad, hinuli ang dalawa matapos makumpirma ang transaksiyon kung saan, isang under cover na pulis ang nagpanggap na buyer.
Nakatakdang ipadala sa Food and Drug Administration (FDA) ang mga nakumpiskang gamot para isailalim sa pagsusuri.
Sa ngayon, inihahanda na ng mga otoridad ang mga kasong kakaharapin nina Lilia at Blanco. —sa panulat ni Angelica Doctolero