Patay ang isang babae, habang sugatan ang kaniyang kaniyang live-in partner matapos silang barilin habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Dipolog City.
Ayon sa pulisya, nagtamo ng tama ng bala sa likod ang 45-anyos na babae, habang sa dibdib naman binaril ang 65-anyos na lalaki.
Personal na alitan na may kaugnayan sa ilegal na droga ang tinitingnan ng pulisya na motibo sa krimen.
Kilala rin umano ng mga biktima ang suspek.
Inaasikaso na ng mga pulis ang arrest warrant para maaresto ang salarin, na mahaharap sa kasong murder at frustrated murder.