Apektado na rin ng dry spell o tagtuyot ang mga taniman ng palay at mais sa Maguindanao.
Batay sa datos na inilabas ng Maguindanao Provincial Agriculture Office, nasa P130 million na ang halaga ng mga nasirang pananim ng palay at mais dulot ng El Niño.
Ayon kay Vic Giabel, Maguindanao Agriculture Officer, 29 sa 36 na bayan sa kanilang lalawigan ay apektado na ng tagtuyot mula pa noong Enero.
Tinatayang aabot na sa 8,500 aniya ang mga magsasakang apektado na rin dahil dito.
Samantala, inirekomenda na ni Giabel sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pagsasagawa ng cloud seeding sa naturang lalawigan upang maibsan ang epekto ng tagtuyot.