Kumuha ng magagaling na “Kuwaiti lawyers” ang pamahalaan ng Pilipinas na siyang hahawak sa kaso ng isang Pinay domestic worker na pinatay umano ng kanyang amo.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ito’y bilang paghahanda na rin ng gobyerno sakaling simulan na ang pagsisiyasat sa kaso ng pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.
Tatagal aniya ng isang linggo ang imbestigasyon sa kaso bago ang pormal na pagdinig ng Kuwaiti court.
Matatandaang nagpatupad na ng ‘partial ban’ ang gobyerno sa pagpapadala ng mga domestic workers sa Kuwait dahil sa insidente.