Alam mo ba na hindi lang magandang excuse para magpapawis at mag-unwind ang pagha-hiking?
Ang hiking ay napatunayang may maraming benepisyo sa kalusugan, mula sa pisikal na ehersisyo na nakukuha kapag nasa trail, hanggang sa emotional o mental relief na nagmumula sa kalikasan.
Kabilang sa physical benefits ng hiking ay:
- Pagkakaroon ng malakas na buto at muscles
- Pagpapabuti ng sense of balance at heart health
- Pagbabawas ng panganib ng respiratory problem
Kabilang naman sa mental effects nito ang:
- Binabawasan ang stress,
- Pinapakalma ang pagkabalisa,
- Mas mababang panganib ng depresyon
Samantala, kabilang sa iba pang benepisyo nito ang pagpapabawas ng timbang, mas maayos na pagso-socialize at pagbabawas sa panganib na dala ng diabetes.