Muling nagpa-alala ang Philippine National Police na mahigpit na ipinagbabawal sa mga pulis na magsolicit ng pondo.
Ito’y sa harap na rin ng nalalapit na kapaskuhan kung saan kaliwa’t kanan ang Christmas party.
Pero ayon kay PNP Deputy Director for Comptrollership Chief Superintendent Boyet Detran, nasa personal na desisyon pa rin ng pulis kung tatanggapin nito ang regalo sa kanya basta’t wag lang daw ikakatawan ang organisasyon.
Ayon kay Detran, ipinagbabawal din ang mga magagarbong Christmas party.
May kaakibat aniyang parusa ang sinumang pulis na mapatutunayang nagso-solicit ng pondo at iimbestigahan ito ng PNP Internal Affairs Service.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal