Tinatayang nasa limangdaang (500) mga bagong jeepney ang magsisimulang magbyahe sa Metro Manila at ilang mga probinsya simula sa Abril.
Ayon kay Transport Undersecretary Tim Orbos, magagawang nang maikumpara ng publiko ang mga luma sa bagong jeepney.
Bukod sa Metro Manila, aarangkada rin ang mga jeepney sa lansangan ng Mindoro, Nueva Ecija, Iloilo at Tacloban City.
Ang lahat ng mga lalabas na bagong jeep ay mayroong engine na pasado sa euro – 4 standards, kasya ang dalawampu’t dalawang (22) pasahero at sa gilid ang pintuan.