Sarado na sa trapiko ang bahagi ng Magallanes Interchange simula ngayong araw, Abril 1.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), epektibo ngayong ala-sais ng umaga, sarado na ang pa-kaliwang rampa ng Magallanes Interchange mula manila patungong Edsa North at Cubao.
Ayon sa MMDA, bahagi ito ng kanilang traffic management plan bilang tugon sa problema sa trapiko at mga nangyayaring aksidente sa nabanggit na lugar.
Batay sa datos ng MMDA, 360 mga aksidente sa kalsada ang kanilang naitala noong 2017 habang halos 300 aksidente naman ang naitala noong nakaraang taon.
Dahil dito, pinapayuhan ng mmda ang mga motoristang magtutungong Edsa North at Cubao mula Manila na dumaan na lamang sa Magallanes Loop o Nichols Interchange.