Dapat paigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang contact tracing sa kanilang nasasakupan.
Ito’y ayon kay Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong kasunod ng pagsirit ng naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Magalong, nakadepende sila sa ginagawang contact tracing ng iba’t ibang lokal na pamahalaan kung saan, naglalaro ang aspect ration ito sa 1:6 hanggang 1:7.
Kasunod nito, ipinanawagan naman ni National Task Force against COVID-19 consultant Dr. Ted Herbosa sa publiko na ugaliin pa ring magsuot ng facemask kahit nasa loob ng bahay.
Makatutulong aniya ito upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo’t natukoy ng mga eksperto na sa mga bahay pinakamabilis kumalat ang virus.