Love song?
Rock music?
Classical?
Lahat tayo’y mayroong kani-kaniyang paboritong musika, dahil gumagaan ang ating pakiramdam sa tuwing pinakikinggan ito.
Ngunit ano nga ba ang magandang naidudulot ng pakikinig sa musika?
IMPROVE MEMORY
Ayon sa pag-aaral ng Academic Medical Center o Mayo Clinic, nakatutulong sa ating memorya ang pakikinig sa musika para madaling makaalala. Napatunayan din ng mga eksperto na mas produktibo at napapabagal ng pakikinig ng musika ang memory loss o dementia lalo na sa matatanda.
NAPAPABABA ANG ANXIETY & DEPRESSION
Ayon sa US National Library of Medicine National Institutes of Health na nakatutulong ang pakikinig ng musika para mapakalma ang mga taong nakararanas ng anxiety at depression.
Ito ang isa sa mga paraan na ginagawa ng mga Doktor bilang treatment para sa mga taong may ganitong sitwasyon.
IMPROVE YOUR HEART HEALTH
Sino nga naman ang hindi mapapaindak sa musika?
Maraming benepisyo ang paggalaw o ang pagsasayaw dahil sa musika, nakatutulong ito para baguhin ang heart rate, breath rate at blood pressure upang mapaganda ang daloy ng dugo at oxygen sa ating katawan.
Mas ganado rin tayo mag-ehersisyo kapag may kasamang musika at nakakalimutan ang sakit na nadarama dulot ng pag-eehersisyo.
Maraming benepisyo ang pakikinig ng musika, nakapagpapagaan ito ng ating pakiramdam, naiibsan ang sakit na nararamdaman at mayroong magandang naidudulot sa ating puso’t isipan.—sa panulat ni Angelo Baino