Magandang estado ng ekonomiya.
‘Yan ang iiwan ng administrasyong Duterte sa papasok na liderato na bansa.
Ayon kay acting presidential spokesperson at presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ang paglago ng Gross Domestic Product (GDP) sa 8.3% sa unang bahagi ng first quarter, ay nangangahulugan na epektibo ang ginagawa ng kasalukuyang administrasyon.
Gayong mataas na aniya ang GDP ay hindi na magmamadali ang susunod na administrasyon na pataasin ito.
Maliban pa aniya sa GDP at Foreign Direct Investments, lumago rin ang manufacturing sector ng mahigit apat na beses sa nakalipas na pitong buwan.
Tiniyak naman ni Andanar na ipagpapatuloy ng economic cluster team ang mga hakbang nito upang manatiling mataas ang GDP ng bansa kahit kaunting panahon na lamang ang natitira sa Duterte administration.