Nanatiling pangunahing concern ng mayora ng mga Pilipino ang maging malusog lalo ngayong may COVID-19 pandemic.
Batay ito sa isinagawang survey ng Pulse Asia Survey noong Setyembre 6 hanggang 11.
Nasa 70% ng mga adult pinoy ang nagnanais na maging malusog at iniiwasang magkasakit habang 47% ang concern sa pagkakaroon ng maayos na trabaho.
Nasa 46% naman ang concern sa araw-araw na pagkain habang 43 % sa usapin ng edukasyon.
Kabilang din sa mga concern ng mga Pinoy ang pagresponde sa pangangailangan ng calamity-hit areas, 71% at pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya, 64 %. —sa panulat ni Drew Nacino