Makararanas ng magandang lagay ng panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, wala silang namataang Low Pressure Area sa labas ng bansa at bagyong papasok sa bisinidad ngayong linggo.
Gayunpaman, ibinabala ng PAGASA ang posibleng pag-ulan na dala ng easterlies na makakaapekto sa silangang bahagi ng bansa kabilang ang Bicol, Quezon Province, Eastern Visayas, Caraga at Davao.
Maliban sa nabanggit na mga rehiyon, makakaranas ng magandang panahon ang ibang lugar sa bansa.