Asahan na ang magandang lagay ng panahon ngayong araw na ito hanggang sa susunod na linggo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), walang sama ng panahon na posibleng pumasok sa bansa sa susunod na linggo batay na rin sa kanilang monitoring.
Gayunman, makakaranas ang Luzon kabilang na ang Metro Manila ng mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon o amihan.
Asahan naman ang maulap na kalangitan na may mahinang ulan sa Cagayan Valley habang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may paminsan-minsang mahinang pag-ulan ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng Luzon ng Luzon hanggang Lunes.
By Judith Larino