Asahan na ang magandang panahon simula ngayong araw na ito matapos lumabas ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong Gorio.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, humina na rin ang habagat na una nang pinalalakas ng bagyong Gorio kaya’t matinding buhos ng ulan ang naranasan ng bansa noong nakalipas na linggo.
Gayunman ipinabatid ng PAGASA na patuloy na magdadala ng ulan ang habagat sa Ilocos, Cordillera, Zambales at Bataan partikular ngayong araw na ito.
Samantala ipinabatid ng PAGASA ang mino-monitor na sama ng panahon sa labas ng northeast boundary ng PAR.
Ito ayon sa PAGASA ay mayroong international name na Noru subalit wala pang epekto sa bansa at posibleng hindi rin makapasok ng PAR.
By Judith Larino