Asahan ang magandang panahon sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw dahil hindi nakakaapekto ang habagat.
Ngunit ang Baguio, Laguna at Batangas ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila sa umaga at hapon ngunit posibleng maranasan ang thunderstorms pagdating ng gabi.
Ang Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ naman ang makakaapekto sa Visayas at Mindanao.
Dahil dito malakas na pag-ulan ang mararanasan sa silangang bahagi ng Visayas lalo na sa Samar area habang magiging makulimlim naman sa kanlurang bahagi ng Visayas gaya na lamang sa Bacolod at Dumaguete.
Samanatala may namuong dalawang Low Pressure Area (LPA) sa Dagat Pasipiko, nasa 3,000 kilometro pa ang layo ng dalawang LPA kaya hindi pa matukoy kung papasok ito sa PAR.
By Mariboy Ysibido