Target ng Department of Health na ipatupad ang programang 28x28x28 bago sumapit ang taong 2028.
Ito ang kinumpirma ni Doctor Albert Domingo, officer in charge at assistant secretary ng department of health kaugnay sa kagustuhan ni Health Secretary Teodoro ‘Ted’ Herbosa na makapagbigay ng magandang serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.
Ayon kay Dr. Domingo, layon ng nasabing programa na makapagpatayo ng dalawampu’t walong primary care centers sa buong bansa pagdating ng taong 2028, kung saan magiging prayoridad ang 28-M pinaka-mahihirap na mga Pilipino. – sa panunulat ni Mainne Dae Palma