Agad na ipinag-utos ng Department of Agriculture (DA) ang lockdown sa Magarao, Camarines Sur dahil sa kaso ng African Swine Fever (ASF).
Ayon kay DA Spokesperson Emily Bordado, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapasok at paglalabas ng mga buhay na baboy, karneng baboy at pork products sa naturang bayan.
Nagsimula na rin ang culling sa 100 mga backyard pigs mula sa mga barangay Sta. Lucia, Sto. Tomas, San Miguel, San Pantaleon at Sta. Rosa.
Nakatakdang tukuyin ang ahensiya ang ground zero ng naturang sakit para maging batayan ng radius of infection, quarantine, surveillance at iba pang hakbang parra maiwasan ang pagkalat ng naturang sakit.