Nakatakdang magpakawala ng tubig ang Magat Dam ngayong araw ng linggo, August 7, upang mapanatili ang ligtas at malinis na water level sa gitna ng mga pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area at Hanging Habagat.
Sa inilabas na advisory ng National Irrigation Administration (NIA), ganap na alas-2 ng hapon mamaya inaasahang magre-release ng nasa 200 cubic meters per second na tubig ang Dam.
Maari naman itong madagdagan depende sa lakas ng mga pag-ulan sa Magat Watershed.
Kaugnay nito, nakiusap ang NIA na naiwasan muna ang pagtawid, pamamalagi, at pati pagpapastol ng mga alagang hayop sa mga ilog upang makaiwas sa anumang sakunang maaaring idulot ng pagtaas ng tubig.
Base ng weather forecast ng PAGASA, namataan ang LPA, 320 kilometers west ng Dagupan City kahapon ng hapon.
Magdadala ito ng mga pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Visayas.
Pinag-iingat naman ang mga apektadong lugar sa mga posibleng flash floods o landslides dulot ng malakas na mga pagbuhos ng ulan.