Nakatakdang magpakawala muli ng tubig ang Magat Dam sa Lalawigan ng Isabela ngayong araw.
Ito, ayon sa National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS), ay upang mapanatili ang ligtas na lebel ng tubig ng dam.
Magsisimula ang pagpapakawala mamayang alas-2 ng hapon at inaasahang aabot ng 200 cubic meters per second o katumbas ng 1, 000 drums ng tubig ang papakawalan.
Patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa Magat Reservoir dahil sa nararanasang pag-ulan dulot ng Habagat.
Sa datos ng flood forecasting and warning system dam operation hanggang kahapon, nasa 188.85 meters above sea level ang tubig sa naturang reservoir o halos abot na sa spilling level na 190 meters.