Pinaghahanda ng pamunuan ng Magat Dam ang mga residente ng Cagayan at Isabela sa posibleng pag-apaw ng Cagayan River dulot ng pagpapakawala nila ng tubig ngayong umaga.
Ito’y bilang paghahanda sa ulang dulot ng hanging amihan na hinahatak ng Bagyong Vicky na nasa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa Magat River Integrated Irrigation System Dam and Reservoir Division, alaa-5 kanina nang buksan nila ang isang gate ng dam na nagpapakalawa ng 200 cubic meters per second upang mapababa ang lebel ng tubig duon bagama’t wala pa naman ito sa critical level.
Isa ang Magat Dam sa mga pinakamalaki sa buong bansa na konektado sa Cagayan River na siya ring sanhi ng malawakang pagbaha sa dalawang nabanggit na lalawigan nuong kasagsagan ng Bagyong Ulysses nuong isang buwan.