Planong magpakawala ng tubig ang National Irrigation Administration (NIA) mula sa Magat Dam para mapaghandaan ang inaasahang malalakas na pag-ulan bunsod ng bagyong Maring.
Layunin nito na hindi umapaw ang tubig sa mga dam dahil delikado lalo na sa mga residenteng nakatira malapit dito.
Base sa pinakahuling rekord ng pag-asa, nasa 188.32 metro na ang water level o 5 metro na lamang mula sa 193 metro na spilling level sa Magat Dam.
Sa ngayon, patuloy na minomonitor ng PAGASA ang iba pang mga dam na posibleng maapektuhan ng pinagsanib pwersa na bagyo.—sa panulat ni Hya Ludivico