Posibleng hindi magpapakawala ng tubig ang Magat dam ngayong weekend sa kabila ng Northeast Monsoon o hanging amihan na nakakaapekto sa hilagang Luzon.
Paliwanag ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Hydrologist Aileen Abelardo, wala pa silang nakikitang rason para magsagawa ng spilling operation ang nabanggit na dam.
Maliban dito, sinabi rin ni Abelardo na hindi sapat ang maibubuhos na ulan ng kasalukuyang weather system na maaaring magpaapaw sa Magat dam.