Nagpakawala na ng tubig ang Magat dam sa Isabela bilang paghahanda sa ibubuhos na ulan ng bagyong Jolina.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nasa 188.30 meter pa ang lebel ng tubig sa dam na malayo na sa spilling level nitong 193 meters.
Kaugnay nito, pinayuhan na rin ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office-Isabela ang mga residenteng nakatira sa mga mabababang lugar at tabing-ilog na maging alerto at mag-ingat sa mga posibleng pagbaha.
Maliban dito, nakahanda na rin ang relief goods na ipamimigay sa mga maaapektuhan ng bagyo.
By Ralph Obina