Tinanggal na ng PAGASA hydrometeorology division ang flood warning sa Magat River Basin.
Ayon sa abiso ng PAGASA, itinigil na kasi ng Magat Dam ang pagpapakawala ng tubig dahil sa mababa na ang inaasahang mga pag-ulan sa Magat Watershed.
Sa ngayon ay wala nang banta ng anumang pagbaha mula sa Magat Dam
Sa talaan ng NASA, umabot na sa 188.28 meters kaninang ala-6 ng umaga ang lebel ng tubig ng Magat Dam.
Hindi na rin nagpapakawala ng tubig ang Ipo Dam dahil sa bumaba na rin ang lebel nito na nasa 101.01 meters ang lebel ng Ipo dam kaninang umaga.