Arestado ang magbayaw sa ikinasang buy-bust operation ng otoridad sa Gamu-Roxas Road, Barangay District 2, Gamu, Isabela.
Sa ipinarating na report ng Gamu Police Station ,Police Captain Geriyell Frogoso kay Police Colonel James Melad Cipriano, Direktor ng Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang mga suspek ay kinilalang sina Eugene Quendara, 38 anyos at RD Flores, 37 anyos na residente ng Santa Filomena, San Mariano, Isabela na kabilang sa Regional Priority List Target ng PNP at PDEA.
Nakumpisa sa mga suspek ang ibinibentang iligal na droga na may timbang na isang gramo na tinatayang nagkakahalagang P6,000, kasama ang 500 gramo ng marijuana na may market value na P60,000, isang granada, at improvised shot gun.
Nahaharap ang magbayaw sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, RA 10591 at RA 9516. —sa panulat ni Airiam Sancho