Nagbabala sa mga organizer ang lokal na pamahalaan ng Taguig na magsasagawa ng pagdiriwang kaugnay ng paggunita sa Halloween.
Ayon sa pahayag ng Taguig Safe City Task Force marapat umano na ilagay sa regulasyon, sa pamamagitan ng pagkuha ng clearance ng maisaayos ang paglalatag ng ng mga gagawing aktibidad.
Dagdag pa ng Task Force, ang pagpayag ng lungsod na makapagsagawa ng social events ay may karampatang protocols at guidelines na dapat sundin gaya ng itinakdang Safe City Task Force Advisory No. 54.—sa panulat ni Joana Luna